lifestyle and culture

April 29, 2008

SYNC: TWO Dance Groups. ONE Stage


A Stylettos and XFX Dance Collaboration.

May 10, 7pm at the HENRY LEE IRWIN THEATRE, Ateneo De Manila University

With Special Guests:
Company Of Ateneo Dancers Brigada Manoeuvres
P150
for tickets call/text jon @ 0915.904.3870

free advertisement

Share:

April 28, 2008

Blog Event of the Month: KANIN!

marami nang nagugutom. tumataas ang bilihin. walang trabaho.

mga problema nga naman talaga ng pilipinas hindi na natapos. buti nalang at hindi masyado mainitin ang ulo ng mga pilipino sa halip yung iba kaya pang gawan ito ng joke. pero sana matauhan naman ang lahat na hindi naman sa lahat ng pagkakataon e aasa sa gobyerno. sana din naman e makonsensya ang mga negosyanteng kumokontrol sa supply ng bigas para lang makakuha ng malaking halaga.

mungkahi ko sa mga pilipino:
  1. magandang trabaho ang pagsasaka. at ito ang dapat pangunahin nating kabuhayan. malalawak ang mga lupain, sagana ang ating likas yaman at onti lang ang ating magsasaka. kung walang magsasaka, tayo ang nagugutom. mas marami tayong produkto, hindi na tayo masyadong aangkat ng ilang pangangailangan na may kapalit na malaking halaga.
  2. masanay tayong magtipid. naalala ko ang isang sinabi ng isang mahirap na inere sa radyo: bakit ang mayayaman, kumakain ng marami pero nagkukumahog magpapayat? may punto sya. kung hindi tayo nagsasayang ng pagkain at sa halip binibigay ang sobra sa kanila, bababa ang porsyento ng nagugutom.
  3. wag masyadong umasa sa gobyerno. oo nga't nilagay natin sila sa pwesto, pero ang trabaho nila ay ayusin ang anumang gusot. (na malamang e tayo rin ang may-gawa) maghanap tayo ng ikabubuhay, pwede tayo magtanim sa mga bakuran, makibahagi sa mga LEGAL na pamamaraan.
  4. family planning. kung pwede nga lang gawing 2 anak kada pamilya, hindi na kasi uso yung palakihan ng lahi. alam naman nating mahirap ang buhay diba?
  5. bumalik sa mga pinanggalingan. kung wala tayong mapuna dito sa Maynila, maaari namang bumalik sa mga probinsya at dun magtrabaho. kahit papano e magkakaroon ng mga panibagong magsasaka.
sana naman umahon na tayo. lagi nalang kasi siraan e kaya walang nangyayaring matino.
Share:

koleksyon ng tuff payb

tuff payb senyales na wala nang pera ang tao

5. nagsasangla
4. mxadong mainitin ang ulo
3. mxadong mabait
2. diet
1. makikipagkaibigan sa bakla/ makikipagkaibigan sa DOM

ibat ibang klaseng manliligaw

5. mr. gwaping - gwapo, mayaman, kilala, may kotse
4. mr. quickie - kada magkikita kau, "kelan mko sasagutin?"
3. mr. stalker - makulit sa text
2. mr. salesman - mambobola
1. mr. good dog - payag magpaalipin

rason kung bakit masaya ang may karelasyon

5. lagi kang nakakanood ng sine
4. kahit nasa bahay ka lang kapag gimik night, hindi ka nalulungkot
3. may magtetext sayo 3x a day
2. may ka-babytalk
1. when you love someone, everything is beautiful.

rason kung bakit masaya maging single

5. you're free to date anyone
4. may time for family and friends
3. napa-priotize ang mga kelangan sa buhay
2. hindi ka praning sa telepono mo
1. hindi ka naprepressure na dapat lagi maganda ang underwear mo.

mga rason kung bakit umaabsent sa work

5. may LBM, dismenorrhea, etc.
4. transport strike
3. binaha
2. may susunduin sa airport
1. namatay ang lola/lolo

mga epekto ng alak

5. madaldal
4. laughtrip/ crying trip
3. natutulog sa suka
2. naghahamon ng laway
1. nilalandi ang type na kainuman
Share:

April 24, 2008

insatiable socialite daw ako?

well iyan ang sabi ni Iggy sakin. hinanap ko talaga separate meanings ng mga word na yan para malinawan ako kung pano ko iintindihin yung description nya sakin. since ni-tag nya ako, kelangan kong gawin ito. since wala pa naman masyadong laman ang blog ko, (dahil na rin sa firewalled internet, 'NYEMAS!) I'll bring to you my Tuff 10 songs of the 90's. I'm a big fan of pop from the 90's kaya hindi nyo ako masisisi...

10. Born for You - David Pomeranz
hindi ko sya gusto; deds kung di nya rin ako gusto. hahaha... lagi ko kasi naririnig yang kinakanta ng HS classmate ko at ginatungan pa ng Values teacher naming si tita dang (hindi tunay na pangalan). at first mejo exciting pa yung pagdating ni David Pomeranz dito sa 'Pinas pero parang weird na yung pabalik-balik nya dito at paggawa ng album. Wala na ba syang career sa Vegas?

9. Thalia Songs (lahat ng OST)
fan ako! bakit ba? hehe... tuwang-tuwa nga ako nung nagpunta sya sa Marikina while we are having an event there sa ilog. nagtanim pa nga sya ng puno sa Riverbanks. nakatayo pa rin yung puno pero yung batong may nakaukit na pangalan nya, tinanggal na after nung Thalia craze.

8. Rollin' - Limp Bizkit
love the high energy while this was played sa JS namin. lahat bigay na bigay ata sa steps nun.

7. Without Me - Eminem
salamat sa Myx at mejo na-memorize ko tong kantang to. usong-uso kasi yung mga rap ni eminem na tongue twisters. ;)

6. Can't Touch This - MC Hammer
booty shakin' while following Cameron Diaz sa Charlie's Angels 2. I hope you know the scene. Kahit mukhang 80's yung suot ni MC Hammer sa video, ok lang.

5. Lead Me Lord - Gary V.
ewan ko lang kung tama yung singer ha, i think this was way older than 90's. pero 1 thing sure, NOEL CRUZ version. and since kinakanta rin namin sya sa choir nung HS, isama narin ang Awit ng Paghahangad. hindi naman may pagka-inspirational ang kantang to noh? gusto ko lang yung part na birit na. hehehe...

4. Bakit Ngayon Ka Lang - Freestyle
uuuuuyyyy.... emo! pero duh! napurga ako dito ha. kahit saan ako pumunta tinutugtog to. tapos ilang weeks ata sya naging number 1 sa Myx!

3. Koibito Ga Uchijin Nara (If My Lover was an Alien) - Mojacko End Theme
i love the "moja-moja" chuwariwariwap! hahahah... i sometime had this fascination of anime, the playful ones. pati rin naman themesong ni lolo Doraemon gusto ko din. hehehe...

2. Say You'll Be There - Spice Girls
1... 2... 3... GIRL POWAH! first favorite song from the Spice Girls kahit parang hindi related yung video concept sa kanta. hahaha...

1. Leaving on a Jetplane - Chantal Kreviazuk
the only song i've mastered on a guitar. dahil super simple lang ng chords with a D-G-D-G-A. also featured sa Armageddon which was also one of my favorite songs. saka kapag naalala mo sya e kakantahin mo talaga.

so i would like to pass this tagging thing to:
Share:

April 22, 2008

ikinatuwa ko talaga ito


Diba nga't nangulit ako last week na manood kayo ng Kapuso Mo, Jessica Soho last Saturday. One thing to be rejoicing about is that that episode was Number 1 in primetime viewing in that day.

April 19 (Saturday)

Daytime:

  1. Eat Bulaga! (GMA-7) - 24.7%
  2. Wowowee (ABS-CBN) - 17%
  3. Wish Ko Lang (GMA-7) 15.2%
  4. StarTalk (GMA-7) - 14.9%
  5. Takeshi's Castle (GMA-7) 14.6%
  6. Pilipinas, Game KNB? (ABS-CBN) - 14.1%
  7. Cinema FPJ: Da King on ABS-CBN (ABS-CBN) - 9.2%
  8. Entertainment Live (ABS-CBN) - 7.5%

Primetime:

  1. Kapuso Mo, Jessica Soho (GMA-7) - 28.7%
  2. Bitoy's Funniest Videos (GMA-7) - 26.1%
  3. Imbestigador (GMA-7) - 23%
  4. I Am KC (ABS-CBN) - 20.8%
  5. Pinoy Big Brother Teen Edition Plus (ABS-CBN) - 20.1%
  6. Pinoy Idol (GMA-7) - 20%
  7. TV Patrol World (ABS-CBN) - 14.7%
  8. 1 vs. 100 (ABS-CBN) - 12.6%
  9. XXX (ABS-CBN) - 12.4%
  10. Nuts Entertainment (GMA-7) - 11.7%
From source

I'm not taking the credit for the success but it was really a good program. Salamat sa mga sumuporta: sa family and relatives, friends, officemates, online buddies, etc.

Kahit nakita nyo akong unti-unting na-haggard sa portion e I think I have supported the show in the best of what I can do. (Naks, artista!) Hahaha...

O Al, congrats sa show nyo!

Share:

April 17, 2008

exposure na naman!

Alberto Beronio (di tunay na pangalan), kasalanan mo 'to! Isang kakalurkei na kaepalan na naman ang matutunghayan ng madla na ako'y isabak mo sa inyong proyekto sa Kapuso Mo, Jessica Soho. Lalabas na naman ako sa TV at ngaun hindi na lang ako hahanapin sa eksena dahil AKO ANG EKSENA! Mula bahay ay inabangan na ako ng staff nyo, kahit bihis na ako ay akting na akting pa rin ako sa eksenang kakagising ko lang. Pagdating namin sa hintayan ng shuttle ay laking taka ng mga propesyonal na nakapila sa Marikina. Akala namang kung sinong artista (ehem!) ang magshu-shooting. Pati mga gawain ko sa buong araw ay nakatutok ang camera. Ultimo pagsubo ko ng pagkain nung tanghalian e dokumentado. Pati sa MRT kasama ko sila. Eksena talaga ito!

Gudlak na lang sa akin kung may ihaharap pa akong mukha.

PS. Lol (sana matagal ang ere at pagusapan natin ang TF!)
Share:

April 16, 2008

Tuff Payb

Most Embarrassing Moments:

5. Nabaligtaran ng payong
4. Bigay-todo sa pagkanta pero iba naman pala ang lyrics
3. Todo-porma nang biglang madudulas
2. Mautot sa madla
1. Tumulo ang sipon habang nakikipag-usap sa iba

Mga dahilan kung bakit hiniwalayan ni BF c GF:

5. Nagger
4. Masyado mahigpit si girl at nakakasakal na
3. Maraming bisyo si girl
2. "Mahilig"
1. Late bloomer si boy at na-realize nya na ibang boy pala hanap nya. lol

Disguise/ Palusot ng mga commuters pag walang pambayad:

5. Sabit sa jeep kahit maluwag pa sa loob para makapag-1-2-3
4. Bibo sa pag-abot ng bayad
3. Pag malapit na sa babaan, kunwari magtatanong ng ibang ruta para mapalagayang "naligaw" sya pero ang totoo ay dun talaga sya bababa
2. Magtutulug-tulugan
1. Magkakaroon ng kausap sa cellphone at dedma sa pagkalimot na hindi pa sya bayad dahil busy sya sa kausap nya sa phone.
Share:

Search This Blog

Intellifluence google page rank

Featured Post

Pilgrim Commute Guide: Jubilee 2025 Churches in the Diocese of Antipolo

The Ordinary Jubilee Year of Hope began this January, and the Catholic Church has invited everyone to visit the designated Jubilee churches...

Archives