mga problema nga naman talaga ng pilipinas hindi na natapos. buti nalang at hindi masyado mainitin ang ulo ng mga pilipino sa halip yung iba kaya pang gawan ito ng joke. pero sana matauhan naman ang lahat na hindi naman sa lahat ng pagkakataon e aasa sa gobyerno. sana din naman e makonsensya ang mga negosyanteng kumokontrol sa supply ng bigas para lang makakuha ng malaking halaga.
mungkahi ko sa mga pilipino:
- magandang trabaho ang pagsasaka. at ito ang dapat pangunahin nating kabuhayan. malalawak ang mga lupain, sagana ang ating likas yaman at onti lang ang ating magsasaka. kung walang magsasaka, tayo ang nagugutom. mas marami tayong produkto, hindi na tayo masyadong aangkat ng ilang pangangailangan na may kapalit na malaking halaga.
- masanay tayong magtipid. naalala ko ang isang sinabi ng isang mahirap na inere sa radyo: bakit ang mayayaman, kumakain ng marami pero nagkukumahog magpapayat? may punto sya. kung hindi tayo nagsasayang ng pagkain at sa halip binibigay ang sobra sa kanila, bababa ang porsyento ng nagugutom.
- wag masyadong umasa sa gobyerno. oo nga't nilagay natin sila sa pwesto, pero ang trabaho nila ay ayusin ang anumang gusot. (na malamang e tayo rin ang may-gawa) maghanap tayo ng ikabubuhay, pwede tayo magtanim sa mga bakuran, makibahagi sa mga LEGAL na pamamaraan.
- family planning. kung pwede nga lang gawing 2 anak kada pamilya, hindi na kasi uso yung palakihan ng lahi. alam naman nating mahirap ang buhay diba?
- bumalik sa mga pinanggalingan. kung wala tayong mapuna dito sa Maynila, maaari namang bumalik sa mga probinsya at dun magtrabaho. kahit papano e magkakaroon ng mga panibagong magsasaka.
No comments:
Post a Comment
Be kind to post your insights. Thanks.