below is the video which i got from Youtube, and lyrics shared by andiandandy:
Mare, mare, may ikukuwento ako sa 'yo, puwede?
Oo naman mare! Puwede!
Simula na po ang automation sa darating na 2010 elections
Sa automation bibilis, bibilis ang bilangan
Kaya lalong dapat nating bantayan
Nasa balota na mga pangalan ng kandidatong pagpipilian
Alamin na po natin ang automation, paano nga ba'ng gagawin?
Ano'ng bagong instruction?
May bilog, may bilog na hugis itlog
May bilog, may bilog na hugis itlog
Ang kailangan sa bilog ay simpleng-simple lang
Itiman, i-shade loob ng bilog
Hanapin ang bilog sa tapat ng pangalan
ng kandidatong napupusuan
Ang bilog, ang bilog sa tapat ng pangalan
'Yan ang dapat nating markahan
Gets mo ba? Gets ko na!
Gets na gets na talaga!
Computer ang magbabasa ng ating mga balota
Kung mali ang pagmarka baka boto mo'y mabasura
Sayaaaang!
Balota mo'y alagaan, boto'y makapangyarihan
Huwag gusutin o dungisan upang tiyak na mabilang
Ang boto mo, boto mo, makapangyarihan
Pumili tayo ng tuwid, ng may paninindigan
Tunay na lider na magsisilbi sa bayan
Yan ang kailangan, kailangan ng bayan
Isang Presidente, Bise Presidente
Mga Senador, puwede hanggang dose
Isang Congressman at isang Party List lang
Huwag na, huwag nang dagdagan
Isang Mayor, may Vice Mayor
At kung ilang Konsehal kailangan
Isang Gobernador, at kanyang Bise
At kung ilang Bokal, puwede!
Hanapin ang bilog Sa tapat ng pangalan
ng kandidatong napupusuan
Ang bilog, ang bilog sa tapat ng pangalan
'Yan ang dapat nating markahan
May bilog, may bilog na hugis itlog
May bilog, may bilog na hugis itlog
Ang kailangan sa bilog ay simpleng-simple lang
Itiman, i-shade loob ng bilog
Ang loob ng bilog na hugis itlog
Huwag bibilugan, loob ang dapat itiman
Ang loob ng bilog na hugis itlog
Aw!
No comments:
Post a Comment
Be kind to post your insights. Thanks.