marami na ang nakapag-post tungkol dito.
nagtaka cguro kayo na biglang naging abstract museum ang buong Metro Manila noh? agaw-pansin talaga ung mga makukulay na likha ng mga pintor ng MMDA. sa kanila sisi e obvious ba? sa isip-isip ko, tama nga naman, alisin ang mga vandal sa mga dingding sa kalsada. para naman kahit papano may kaaya-ayang nakikita sa lansangan hindi ung mga @$#*^ na hindi ko na rin mismo maintindihan.
pero ok naman sya tignan diba? pagdating mo nga ng Marikina iba na sya e, FLOWERS NA! ganun din naman ang objective nito, itago ang mga vandal sa dingding. pero may iba pa akong pwedeng idagdag sa objectives nya:
i-develop ang mga utak ng mga bata (pati na rin ang ibang nakakakita nito) sa pagtangkilik sa sining, abstract reasoning, at iba pang skills na ginagamitan ng utak. ewan ko lang sa inyo ha, pero kapag tinitignan ko ung mga MMDA Art, minsan nag-iimagine na lang ako ng mga bagay na pwede i-associate sa MMDA Art. kapag puro bilog, iniisip ko, mga ulo ng tao. may malaki, hydrocephalus, shy type (maliliit). kung puro squares, bahay. pag triangles, mga bundok. o dba? mantakin nyo may ka-weirdohan talaga ako. hahaha
pero marami pa ring kritiko ang MMDA. sorry idol ko si BF kaya ganun nalang ang tuwa ko na nanalo sya sa Duets. lol pero bakit kaya taung mga Pilipino pag kapwa Pinoy ang gumagawa ng ikagaganda ng lipunan natin, pilit nating binabagsak? tignan nyo ung litrato sa kaliwa, maganda dba? pati ang pagkakagawa. pero ang pinapakita e isang elemento ng kaguluhan sa kanilang lipunan, mala-demonyo pa nga ang itsura nyan. pero bakit sa atin, ok naman ang mga hugis pero bakit natin binibigyan ng masamang puna?
November 26, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Popular Posts
-
LG 2024 OLED evo TVs Demonstrate Company’s Dedication to Sustainability and Highlight Premium Value of LG OLED TVs LG Electronics (LG) conti...
-
The FEU Dance Company (FDC) will take center stage with its annual dance concert entitled "TAMnan: Yugto ng Pag-aani" on April 20...
-
The highly anticipated return of the iconic musical RENT is poised to captivate audiences once again, gracing the stage of the Carlos P. Rom...
No comments:
Post a Comment
Be kind to post your insights. Thanks.