June 27, 2008

survey! na miss ko ito!

1. anung kwento ng pangalan mo?
--- kuha sa classmate ni mama. basta kelangan 4 letters lang.
2. anung kwento ng last birthday mo?
--- nag-audition ako sa SURVIVOR PHILIPPINES. pumasa ako sa 1st screening.
3. anung kwento ng 1st lovelife mo?
--- anu daw
4. anung kwento ng lovelife mo ngayon?
--- alin?
5. anung kwento ng buhok mo?
--- magulo kwento nya
6. anung kwento ng computer mo?
--- may mga bagay-bagay
7. anung kwento ng kwarto mo?
--- dapat dun ako natutulog. ako nagpapaayos nun e.
8. anung kwento mo last christmas?
--- naku nagulo ang bahay! daming bata at bisita
9. anung kwento mo last valentine's day?
--- wala. nalindol lahat ng motel
10. anung kwento ng chinelas na suot mo?
--- bili ko sya sa Parañaque nung kelangan ko ng damit kasi nag-overnight kame kina yeng
11. anung kwento nung una mong nakita yung crush mo?
--- kinilig ako
12. anung kwento sayo ng parents mo tungkol kay santa claus?
--- di nila nakwento ata
14. anung kwento nung best movie na pinanood mo?
--- titanic? dmo ba alam yun?!
15. anung kwento nung last time na umiyak ka?
--- napuwing lang ako
16. anung kwento ng cellphone mo ngayon?
--- 2 phone ko e. alin dito? wala syang kwento. nananahimik.
17. anung kwento ng favorite mong pantalon / short?
--- credit card... SWOOOSSSSHHH!!!
18. anung kwento ng layouts sa profile mo?
--- KUNG FU PANDA!
19. anung kwento ng seatmate mo?
--- magulo din buhok niya. haha..
20. anung kwento gusto mong ikwento?
--- wala! bwahahaha!!!

Share:

June 26, 2008

noon at ngayon

noon ang pinaka-sosyal na tsitsirya e Cheekadeez, ngayon, madami na sila.
noon lahat ng tao nakayuko pag nahihiya lang, ngayon nakayuko dahil nagtetext.
noon ang mga bata naglalaro sa labas ng bahay, ngayon nasa computer shop lahat.
noon kita mo pa ang mga bundok, ngayon puro bahay na.
noon big deal kapag may nabuntis ng di dapat kaya maraming takot, ngayon uso na.
noon mga tikbalang, nuno, manananggal lang ang mga kathang-isip, ngayon ang mag-stay sa isang relasyon ng matagal ay kathang-isip na lang.
noon nagkakausap pa mga magkakapit-bahay, ngayon ni sila hindi nagkikita-kita.
noon kahit sinong doktor pupuntahan kapag may sakit, ngayon dapat sakto sa propesyon.
noon nagkukulang ng tao para sa trabaho, ngayon kulang ang trabaho para sa tao.
noon sariwa pa ang hangin kahit nasa urban ka, ngayon ang tindi!
noon 500 lang, may pang-isang linggo kana, ngayon, pamasahe lang yan.
noon kahit sa mababaw lang, makakahuli ng isda; ngayon bota o plastik na makukuha mo.
noon makakakita ka ng shapes sa clouds, ngayon, parang hindi na ata.
noon masarap lang kumain, ngayon lahat ng kinakain mo, may pampa-cancer.
noon marami pang pang-gastos, ngayon, maraming pang-utang.
noon ang ayos ng buhay ng tao, ngayon ang daming pampagulo.
noon Gloria ang pangalan ng babaeng kinagigiliwan ng lahat, ngayon maraming galit sa Gloria.

haaayyy... sana di nalang natapos ang noon.

Share:

June 24, 2008

Feast of St. John the Baptist



today June 24, the city of San Juan, Metro Manila, commemorates the feast of St. John the Baptist. the prophet who prepared us all for the coming of the Messiah, Jesus Christ. he was killed during the time of Herod Antipas as he was beheaded.

John's main character in the gospels is attributed to his baptism to Jesus Christ at the Jordan River which is now one of the Seven Sacraments in the Catholic Church.

Pero ngayon, ang sine-celebrate sa San Juan, BASAAN! started from 7AM-12NN. kaya ang madayo ng San Juan, sigurado walang ligtas! the city has organized rerouting scheme for motorists na ayaw mabasa at pikon. sinara kasi ang main roads sa San Juan. pero parang ang saya makakita ng tao na lahat wet look! hahaha...

Share:

June 23, 2008

sarap maging estudyante

mantakin mo walang pasok ngaun dahil kay Frank. tapos bukas parang ang sarap mag-aral or magtrabaho sa Maynila kasi Manila Day naman bukas. Hindi sinasadyang LONG WEEKEND sila! haayyy...

Share:

June 20, 2008

close kame ni dong!

kanina i received an MMS message sa aking phone with this content:


Tambay na sa set with Dingdong Dantes!
Txt GOMMS DINGDONG ON to 4627 for chnce 2 win!
P5/MMS.Per DTI NCR# 2358s08.
No alerts?Snd ALERTS OFF to 211.SmartFREEalert
si Dingdong talaga, feeling close! hahaha... buti nalang at less than P5 ang load ko kaya sa tingin ko walang kaltas to. bakit kaya nung si Harrison Ford ang nagMMS sakin P15 agad ang nawala sa load ko nung sinave ko yung pic nya? ang gulo ng SMART!

Share:

June 19, 2008

paramihin pa ang comments sa blog mo

good day ulit. maraming sumagi na naman sa utak ko at dapat mai-publish na ito dito para di na mawala. you already know some points in writing a blog and how to get more and more comments but here are more points:
  1. maki-usyoso.
    always glide on the blogosphere. hindi mo lang nilalawakan ang kaalaman mo sa mga bagay bagay kundi dumadami rin ang mga cyberfriends mo. magcomment ka sa mga blog nila and it's better that you can post your link with your comment so that the publisher can track you back. if they find your site interesting, magaling! e di madadagdagan na rin ang mga magcocomment sa blogs mo. you've not only gained new friends, na-advertise mo pa ang blog mo nang LIBRE!
  2. be consistent.
    take a look at wanda ilusyonada, naging libro ang blog nya dahil sa kakaiba nyang style sa pagsusulat.
  3. create a market
    blogging is like your own PR image. your readers can identify your character with your posts. again with wanda, ang laki ng market nya sa panahon natin ngayon na marami ang naliligwak, naookray, at masyadong marami ang ka-chorvahan sa buhay! hahaha...
  4. be creative
    you can consider your blog as your outlet on Creative Writing. you can have a series of your own fiction, poetry.
  5. your blog page is your stage, or your own moviehouse and you are the actor.
    this is a combination of nos. 2-4. you can have immediate responses if you are with the audience right? some of them would awe sa performance mo, iba critiques at yung iba kibit-balikat lang.

Share:

June 18, 2008

how to get most comments in a blog?

i have been looking at my multiply inbox and saw blogs that are flooded with comments in a short period of time. some of them e kakapost pa lang, may comment agad. parang dna binasa. hehe.. good thing that multiply has this "Who's Viewed Me" function para malaman mo kung sino ang nakiki-usyoso sa mga profile mo. i have written about my blockbuster blogs weeks ago and try to figure out how these blogs acquire so much attention. now i enumerate points how someone's blog (or someone) can be so interesting.
  1. always reply on the comment.
    pamparami din ng comments yan. the first person to comment on your blog is the pinaka-chismoso. i know it because isa ako sa ganun, especially sa showbiz news. and every reply you get minsan may tanong pang kasama so you have to answer it when your blog is not so much clear to your reader. then always answer some of the issues that your reader also has.
  2. be random.
    you can have readers that are even not in your network. some of them may have the same interests as you posted in your blog. surprise your readers with akalain mo may sense ka rin pala factor with social issues, love life, inspirational stories, and poetry.
  3. post pictures (the sexy ones)
    some people may only be after your gorgeous pics and minsan gusto rin mapansin nyo rin sila that's why they keep on commenting on your posts.
  4. know your forte
    if you are an aspiring photographer, post your most beautiful captures or portfolio along with your blog. if you are a musically inclined, play with some tones just like densemodesto had in his sites. maging kilala ka rin sa mga kakulitan mo like tado.
  5. be the first.
    some bloggers minsan they're after the webhits. it's ok that you know the buzz in town but it's better if you know the story first-hand or kung ikaw ang naunang nagpost. kung si Ken Lee naging sikat in some time, walang pakialam sa kanya ung nagpost ng video nya kasi marami ang nagcomment or nag-link ng video nya.
so maybe these are all that i can post muna. yan kasi sa tingin ko pinaka-common. Happy blogging!

Share:

Search This Blog

Intellifluence google page rank

Featured Post

Golden Easter Celebrations and Holy Week Traditions Await at The Manila Hotel

Families and travelers can look forward to a meaningful and festive Holy Week at The Manila Hotel as the Grand Dame of the Philippines unve...

Archives