noon ang pinaka-sosyal na tsitsirya e Cheekadeez, ngayon, madami na sila.
noon lahat ng tao nakayuko pag nahihiya lang, ngayon nakayuko dahil nagtetext.
noon ang mga bata naglalaro sa labas ng bahay, ngayon nasa computer shop lahat.
noon kita mo pa ang mga bundok, ngayon puro bahay na.
noon big deal kapag may nabuntis ng di dapat kaya maraming takot, ngayon uso na.
noon mga tikbalang, nuno, manananggal lang ang mga kathang-isip, ngayon ang mag-stay sa isang relasyon ng matagal ay kathang-isip na lang.
noon nagkakausap pa mga magkakapit-bahay, ngayon ni sila hindi nagkikita-kita.
noon kahit sinong doktor pupuntahan kapag may sakit, ngayon dapat sakto sa propesyon.
noon nagkukulang ng tao para sa trabaho, ngayon kulang ang trabaho para sa tao.
noon sariwa pa ang hangin kahit nasa urban ka, ngayon ang tindi!
noon 500 lang, may pang-isang linggo kana, ngayon, pamasahe lang yan.
noon kahit sa mababaw lang, makakahuli ng isda; ngayon bota o plastik na makukuha mo.
noon makakakita ka ng shapes sa clouds, ngayon, parang hindi na ata.
noon masarap lang kumain, ngayon lahat ng kinakain mo, may pampa-cancer.
noon marami pang pang-gastos, ngayon, maraming pang-utang.
noon ang ayos ng buhay ng tao, ngayon ang daming pampagulo.
noon Gloria ang pangalan ng babaeng kinagigiliwan ng lahat, ngayon maraming galit sa Gloria.
haaayyy... sana di nalang natapos ang noon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Popular Posts
-
Don’t miss the captivating collaborative performance between the Philippine Educational Theater Association (PETA) and Kyoto-based theater g...
-
From a shy boy to a frequent singing contestant in various barangays, citywide competitions to province-wide, and finally, on the world stag...
-
Company to Transform Everyday Life with Personalized, AI-Powered Experiences LG Electronics (LG) invites consumers worldwide to join the LG ...
NOON di ka naman gaanong seryoso, anong nangyari NGAYON?
ReplyDeleteHahaha.. Hindi ba normal to?
ReplyDelete