i don't know about this, but still, PUP has Board of Regents that will decide on the increase. i hope that the increase may be gradual and would help the people adjust.
RELATED TOPIC
http://www.ohmski.info/2010/03/pup-students-misdemeanor.html
lifestyle and culture
Metrobank is thrilled to offer its credit cardholders an exclusive opportunity to enjoy an exclusive discount and pre-sale to tickets to the acclaimed Filipino musical, PETA’s Walang Aray.
Newport World Resorts, VIVA, and The Philippine Star revive the spirit of the ‘80s in a new stage production
LG’s New Campaign Leverages Music – the Universal Language – to Foster Deeper Connections and Expand the Life’s Good Promise in Digital Spaces
Bawat Bonggang Bagay is a special Pride Month presentation of The Sandbox Collective, directed by Jenny Jamora — and a brilliant thing worth witnessing.
PUP... "TSINELAS" capital?*COMMENT KO kahit school ko yan:
Kung ang Marikina City ang tinaguriang Shoe Capital of the Philippines, ang PUP naman daw ang sinasabi ngayong "Tsinelas Capital" ng ating bansa. Wala ngang factory ng tsinelas ang ating unibersidad, pero sa PUP campus ka lang makakakita ng sangkatutak na kabataang sabay-sabay na nakasuot ng tsinelas, huh! Tama. . . TSINELAS nga! Iba’t ibang klaseng tsinelas. O, sabihin na lang nating maaaring lahat ng klase ng tsinelas ay makikita mong suot ng pupian.
Astig? Japormz? Pangmasa? Pangtibak? Uso? Malaya? Ilan sa sinasabi nilang dahilan kung bakit feel nilang magtsinelas sa kampus at mismong sa loob ng klase. Marami ang nagre-react, lalo na ang mga dating pupian. Lalo raw kasi nagiging cheap ang dating ng PUP. Pangmasa na nga raw, tapos, pangmahirap pa ang suot sa paa? Waaaahhhh!
“E, ano naman kung nakatsinelas?” banat na tanong ng nakararaming pupian sa ngayon. Wala raw masama kung nakatsinelas man sila sa pagpasok sa PUP. Ang importante ay ang kahandaan ng sarili sa kanyang pinag-aaralan at ang pokus sa pag-aaral. Hindi dapat maging batayan ng estado sa buhay kung nakatsinelas ka man o hindi. Kasi nga raw, uso talaga ang tsinelas sa ngayon. Halos lahat ay feel ang magtsinelas. Mas Malaya raw kasing kumilos, iwas paltos, iwas kalyo, iwas amoy, nakasunod ka pa sa uso.
Wala ngang masama kung nakatsinelas ang mga pupians! E, ano naman daw kung maging TSINELAS CAPITAL tayo?! Totoo namang sa PUP ka lang makakakita ng mga estudyanteng malayang nakakapagsuot ng kahit anong klase ng tsinelas. Ang dapat lang. . . manatiling mataas ang sistema ng ating edukasyon at mapanatili ng mga pupians ang pagiging matalino, madiskarte, may paninindigan, matapang, progresibo, maabilidad, makabayan at responsableng iskolar ng bayan. . . kahit pa sabihing nakasuot lang sila ng tsinelas ng bayan. Dapat utak pupians! Wag namang utak tsinelas. . . wahehehe!
Ikaw. . . ano sa tingin mo?
The Ordinary Jubilee Year of Hope began this January, and the Catholic Church has invited everyone to visit the designated Jubilee churches...