PUP... "TSINELAS" capital?*COMMENT KO kahit school ko yan:
Kung ang Marikina City ang tinaguriang Shoe Capital of the Philippines, ang PUP naman daw ang sinasabi ngayong "Tsinelas Capital" ng ating bansa. Wala ngang factory ng tsinelas ang ating unibersidad, pero sa PUP campus ka lang makakakita ng sangkatutak na kabataang sabay-sabay na nakasuot ng tsinelas, huh! Tama. . . TSINELAS nga! Iba’t ibang klaseng tsinelas. O, sabihin na lang nating maaaring lahat ng klase ng tsinelas ay makikita mong suot ng pupian.
Astig? Japormz? Pangmasa? Pangtibak? Uso? Malaya? Ilan sa sinasabi nilang dahilan kung bakit feel nilang magtsinelas sa kampus at mismong sa loob ng klase. Marami ang nagre-react, lalo na ang mga dating pupian. Lalo raw kasi nagiging cheap ang dating ng PUP. Pangmasa na nga raw, tapos, pangmahirap pa ang suot sa paa? Waaaahhhh!
“E, ano naman kung nakatsinelas?” banat na tanong ng nakararaming pupian sa ngayon. Wala raw masama kung nakatsinelas man sila sa pagpasok sa PUP. Ang importante ay ang kahandaan ng sarili sa kanyang pinag-aaralan at ang pokus sa pag-aaral. Hindi dapat maging batayan ng estado sa buhay kung nakatsinelas ka man o hindi. Kasi nga raw, uso talaga ang tsinelas sa ngayon. Halos lahat ay feel ang magtsinelas. Mas Malaya raw kasing kumilos, iwas paltos, iwas kalyo, iwas amoy, nakasunod ka pa sa uso.
Wala ngang masama kung nakatsinelas ang mga pupians! E, ano naman daw kung maging TSINELAS CAPITAL tayo?! Totoo namang sa PUP ka lang makakakita ng mga estudyanteng malayang nakakapagsuot ng kahit anong klase ng tsinelas. Ang dapat lang. . . manatiling mataas ang sistema ng ating edukasyon at mapanatili ng mga pupians ang pagiging matalino, madiskarte, may paninindigan, matapang, progresibo, maabilidad, makabayan at responsableng iskolar ng bayan. . . kahit pa sabihing nakasuot lang sila ng tsinelas ng bayan. Dapat utak pupians! Wag namang utak tsinelas. . . wahehehe!
Ikaw. . . ano sa tingin mo?
hay naku, tantanan nyo yang poverty issue na yan a. napaka-ironic na ng PUP kasi naman, mga mahihirap daw pero naka-IPod, maganda ang cellphone at laging may load (daig nyo pa nga mga prof natin), branded ang mga suot, at kung mag-sinelas man, naka-BANANA PEEL or HAVAIANAS pa! yan ba ang mga mahihirap?
e ang sakin lang, imbes na magpasikatan kayo dyan sa eskwelahan nating "PANG-MAHIRAP," e atupagin ang pag-aaral. tapos eto pang mga aktibista ang nangunguna sa pag-display ng mga branded nilang gamit.
saka MALI NAMAN TALAGA ANG PAGSUSUOT NG TSINELAS SA ESKWELAHAN. pano kayo rerespetuhin ng ibang eskwelahan nyan e kung kayo mismo hindi nyo marespeto ang sarili nyong eskwelahan. napaka-inappropriate naman talaga nun. hindi naman sa pagiging radikal ng pagiisip nasusukat ang katalinuhan ng isang tao. "Courage is doing something right when everybody else is doing wrong."
KUNG GUSTO NYO NG HAVAIANAS BUSINESS 150 PESOS LANG PER PAIR CHEAPEST NA KAMI SA INTERNET! PUNTAHAN NYO LANG PO ETONG MAIN SITE NAMIN www.havaianas01.multiply.com
ReplyDelete