kaninang umaga ay nagYM sakin c mhadz tungkol sa namimiligrong Department of Advertising and Public Relations (AD/PR). eto ang dati kong department sa PUP. kulang na kulang na daw ang mga professors ngaun. nakausap nya daw kasi ang dati naming chairperson at nabanggit nga daw ang problema.
nung lunes ay na-invite ako sa isang research interview ng mga estudyante ng nasabing department. kwento nila na nahaharang nga daw ata ang application ng mga magagaling naming mga professor nung sandaling sila'y umalis. at ngaun isa-isa na raw nawawala ang mga batang professor. e concern ko lang, magagaling ang mga estudyante ng ADPR. anu na mangyayari sa mga estudyante nila?
naging matyaga ako sa pag-aaral ko sa PUP. katunayan at sa hindi pagmamayabang, nagtapos ako ng cum laude. sa tingin ko maganda naman ang mga karanasan ko at training sa PUP at marami naman akong natutunan.
ngaun napaisip ko pano kaya kung tumulong ako? magturo ako pansamantala? alam kong mahirap na trabaho ang maging teacher pero rewarding naman siguro ang resulta kung isa ka sa mga naging bahagi ng kaalaman ng ilang tao.
anu sa tingin nyo? hindi naman ito open resume or essay kung pano ka tatanggapin ng isang kumpanya. matagal ko na rin na-consider ito mula ng nagtapos ako. tinanggihan ko lang dahil sa dahilang wala pa akong experience sa field.
No comments:
Post a Comment
Be kind to post your insights. Thanks.