May 10 bagay itong movie na to:
- Sapporo, isang lugar sa Japan na piping saksi kung pano naging magkamabutihan sina Lea at Tonyo. Kung makakapagsalita lang sana ang lugar na ito tungkol sa mga buhay ng mga nagmamahalan, di ko din maiintindihan kasi Nihonggo ang language nya. Gusto ko ding makatikim nung Sapporo beer.
- Dalawa lang sila sa cast pero hindi mo aakalain ang love team nina Empoy at Alessandra de Rossi. Hindi man kagwapuhan si Empoy sa paningin natin pero sinasabi ng Kita Kita na mas lumitaw ang pagkakaroon ng magandang ugali para mabuksan ang mga mata natin sa mga taong totoong nag-a-alala sa atin. Swak din ang kanta ni KZ Tandingan na "Two Less Lonely People in the World" na mas alam ko pa rin ang tono ng Air Supply.
- Tatlo kaming nanood nito sa sinehan. Mag-asawa sila at third wheel ako. Huwag akong tularan.
- Repolyo. Kung masyadong malaki, hiwain mo sa apat. Kada magluluto ka, gamitin mo yung 1/4 para 4 times ka ding masaya. May apat akong alam na putahe na may repolyo: Ginisang gulay, Nilagang Baboy, Nilagang Manok, Corned Beef
- Limang bagay pwedeng gawin sa Sapporo ayon sa movie: Huwag gumamit ng mga land transpo, mag-ala Venice gamit ang gondola; pumunta sa garden park; kalembangin ang bell habang masaya ka; mag-steam spa; ma-inlove.
- Anim na beses dinalaw ni Tonyo si Lea simula nung nabulag ito bago nya napasagot nang Oo para lumabas sila. Anim na beses din syang nareject. Ang lesson dito ay Don't Give Up.
- Minsan gusto kong maging cosplayer. Saging or Puso. Sa buong eksena nito, magpipigil ka talaga ng ihi para namnamin kabuuan ng movie.
- Hinding-hindi ko talaga mapapatawad yung writer kung bakit biglang mawawala si Tonyo sa buhay ni Lea nang ganun-ganun lang. Sinasabi ba nya na wala tayong karapatan maging masaya habang buhay?
- Masakit sa puso yung moment na pipiringin na lang ni Lea ang mga mata ulit para magbalik sa ala-ala nya yung mga masasayang moment nila ni Tonyo. Kailangan ba nating mabulag nalang ulit para maging masaya?
- 10 to the 3rd power. Gusto kong matutong gumawa ng bird origami para matupad din ang wish mo na manood nito.
Rating is 9/10 due to major heartbreak it gives.
No comments:
Post a Comment
Be kind to post your insights. Thanks.