July 18, 2008

a typical Pinoy's ref


Ang prigider (old school slang for ref) may kwento din. I happen to pass by Maxville (103.5 FM) and they tackled about this huge cold box. since it came I think after the WWII, nagbago na ang dating basyong nakasabit sa kisame para maiimbak ang pagkain at hindi maabot ng mga peste sa tahanan. -- Yan ang kwento sakin ng parents ko. pero anu ba daw ang mga karaniwang makikita sa loob ng isang prigider ng tipikal na Pinoy? inevaluate ko ang ref namin at malaki ang mga pagkakapare-pareho sa mga nabanggit nila. magdagdag na lang kayo kung may maisa-suggest pa kayo:

gulay - malunggay, kangkong, talong, kamatis
mga nabubulok - kalamansi, kamatis, talong
STAR Margarine para sa sinangag
1.5 L bote ng softdrinks na ginawang lalagyan ng tubig
basag na itlog
Alaska can na binutas ng kutsilyo
Tempra - ever reliable sa lagnat ng bata
kutsarita para sa Tempra
expired na syrup medicines
cake na may kutsilyo o tinidor
walang laman na ice cube mold
mga storage things na microwavable. minsan dating pinag-lagyan ng icecream
condiments in sachet - hot sauce, catsup
hiwang prutas - mangga, pinya, pakwan o papaya
Sunmade raisins
tuyo, tinapa, daing, danggit - sa lalagyan ng itlog
Brown Cow (kahit papano naging laman ng ref 'to)
Cowhead - dapat Cowhead para sa cereal meals
mga naka-stapler na plastic ng kape, asukal, gatas na powder, tomato sauce
hotdog, kikiam, squid balls, fishballs - mga pambaon
mga excess na arina ng pinagprituhan
mga tirang pagkain - sunny side-up na itlog, tinola at sinigang na gelatin na, nagsesebong adobo.
natirang dulo ng tasty bread na nasa plastic pa
di mawawala: dressed chicken, giniling, karne ng baboy

halos lahat yan meron kame. kayo kaya?

4 comments:

  1. teka teka, yung tempra linalagay nyo sa ref? ngayon ko lang narinig yun ah... :-p

    tsaka, ano yung Brown Cow? :)

    ReplyDelete
  2. oo nilalagay ni mama sa ref.
    Brown Cow ung choco syrup. hanu ba, matanda pa nga ata sakin un e.

    ReplyDelete
  3. aaaahh.. haha, di kasi siguro kami ma choco syrup. sorry na! haha..

    ReplyDelete

Be kind to post your insights. Thanks.

Popular Posts