March 28, 2008

bakit kasi kelangan naka-block

hirap ng walang ginagawa. aga-aga mong pumasok para mag-check ng emails, maglaro ng onti, mag-friendster, mag-multiply, at mag-update ng kung anu-ano mong account sa internet. shempre pag-online din sa YM kasama na dun. pagpatak ng 9AM, magtrabaho kana. ibibigay sayo ang trabaho for the day, ieedit, ieencode, ichecheck at hihintayin mong matapos ang iba mong kasama sa project bago mo isubmit yun sa next task.

pano naman kung maaga kang matapos pati yung mga kasama mo? anu gagawin mo? buti nalang hindi naka-block ang limewire, etc. kaya nakakapag-download pa ko ng mga mp3 at movie. pero ang friendster, multiply, youtube, myspace saka imeem naka-block. nakakaburo kung wala akong gagawing iba. naghihintay na lang ng ibang downloaded movies (shhh...) from ging. ayun, minsan nakaka-dalawang movies ako sa isang araw depende na yun kapag sinipag akong manood. hindi naman ako makapag-post ng review sa multiply kasi nga naka-block. haay.... so naglalaro nalang ako sa miniclip or pinapaganda ko blogspot ko http://ohmski.blogspot.com (uyyy... plugging). photoshop minsan or nangungulit nalang sa mga officemates or kung sinong online. madami narin akong natutunang HTML codes.

eto nalang hindi ko pa siguro nagagawa, maghanap ng bagong trabaho. lol (tapang!) kaya siguro next time magle-leave ulit ako ng bonggang-bongga tapos maghahanap na lang ako ng trabaho. hindi yung nakaka-stagnant ng utak. tulad siguro ng writer, graphic artist, marketing jobs, or kahit sa mga advertising agency, sa creative department, account management or media department. mas tatanggapin ko kung sa events, or basta yung ma-travel, entertaining kahit stressed ka basta masaya! basta considerable ang presyohan may experience narin naman ako. pero kung pagbabasehan ang current job ko, malamang sa malamang e parang fresh grad pa rin ako.

siguro naman may mga alam kayong opening, refer nyo naman ako! hahaha... pero kung papapiliin nyo ako, gusto ko ma-try trabaho sa Eat Bulaga. kahit staff writer. ewan ko lang kung magaling ako mag-joke or mag-develop ng mga promo. sa mga medium to big scale advertising agencies, sa events companies, print media, radio, etc. please please naman! nakakaburo na talaga! hindi lang halata sa akin kasi naman, petiks kasi! hahaha...

if you want my resume, nasa profile ko. ;)

excited nako mamaya sa Embassy! hehehe...

No comments:

Post a Comment

Be kind to post your insights. Thanks.

Popular Posts