ako na siguro pinaka-makabayan na pinoy dito sa multiply. kung meron mang iba na mas higit pa sa akin, ok lang. basta malaman ko lang na mas may sentimyento kayo sa bansang Pilipinas, ok na ko.
nagsimula sa mga travel-travel na lalo kong napamahal na ayaw ko na talaga iwan ang pilipinas kahit pupunta ko ng HK sa end ng october. pero work-related naman yun kaya im still serving my Pilipino employer (at least Pinoy pa rin). then sumunod ang katakot-takot na thread ng desperate housewives dahil sa isang kontrobersyal na linya na sinabi ng isa sa paborito kong aktres na si teri hatcher. at ang pinakahuli ay eto ngang mamamayan na ito na katakot-takot ding kontrobersya ang pinasok sa paglabag ng RA 8941 - Flag and Heraldic Code of the Philippines.
tapos kanina lang, sumabog ang glorietta! cancelled lahat ng gimik at that area! naku ang saklap talaga! (i-cancel nyo na ang gimik nyo banda dun kung ayaw nyo masaktan!) hindi ko rin tuloy alam kung saan ako dadaan pauwi. kung MRT naman, congested at baka, knock on wood, sumunod sa listahan ng mga papasabugin. wag naman sana. marami pa kong pangarap.
kung okrayin nyo ako dahil hindi dretsong Filipino ang gamit ko dito sa pagsusulat, pagpasensyahan nyo na kasi sa akin, ang wika natin ang pinaka-diverse. rehi-rehiyon ang mga dialekto, may nadadagdag pa. may lenggwaheng txt, gaylingo at pajologs. sa akin normal naman lahat ng ito. buti nga't napapagyaman pa natin kultura natin. at higit sa lahat, nakakatuwang isipin na ang saya ng lipunan natin sa mga ganyang bagay.
isantabi na sana ang pulitika. mamaya ibang balita na naman ang lalabas sa TV. ung tungkol sa pera, mawawala. yung labanan ng mga pulitiko, mawawala din. hay naku daming isyu na hindi ko na rin maisa-isa sa sobrang dami. pero sana maalala pa rin ang nagkukumahog na mamamayan at mag-alalayan sana lahat tayo para hindi tayo napag-iiwanan. saklap din isipin na ung mamamayan din ang sumisira sa kapwa. hanu ba yan! sakit sa ulo!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Popular Posts
-
DITO once again won the Rated #1 Mobile Network in the Philippines, making it the first telco in the country to achieve back-to-back wins fo...
-
Upgrade your data promo with the new and improved DITO Level-Up Packs and enjoy bonus streaming with Prime Video! Like Dingdong at Marian, y...
-
Earlier this month, alongside the celebration of its fifth anniversary at the Grand Travel Fest 2024, local boutique airline Sunlight Air la...
No comments:
Post a Comment
Be kind to post your insights. Thanks.