January 14, 2009

Doña Mary dies at 103

alisin natin ang pulitika sa bagay na ito.

ang 103-taong gulang na ina ng dating pangulong Joseph Estrada ay sumakabilang-buhay na po. naging prominente ang karakter ni Donya Mary lalo na nung nailagay sa ipitan ang kanyang anak sa kasong pandarambong. bagamat nasa kalungkutan, nanatiling matatag ang ginang at malakas ang pag-asa sa paglaya at katahimikan ng kanyang anak. tunay na si Doña Mary Ejercito ay naging ehemplo ng isang matiising ina para sa kanyang anak.

sanhi ng pagkamatay ni Doña Mary ang cardiopulmonary arrest at naging daan na rin ng pagbagsak ng ilang internal organs ayon sa kanilang doktor. isang madamdaming tagpo na hanggang sa huling sandali ay nanatiling malapit ang dating pangulo at ang kanyang ina at magkahawak sila ng kamay hanggang sa huling hininga.

samantalang nakiramay na ang palasyo para sa pangyayaring ito at si Doña Mary ay mananatiling inspirasyon para sa lahat.

STORY FROM INQUIRER.NET

Share:

0 comments:

Post a Comment

Be kind to post your insights. Thanks.

Search This Blog

Intellifluence google page rank

Featured Post

Randy Ortiz Man #Unofficial40 Menswear show set on March 19

The show aptly titled "Randy O. Man" menswear collection is a bridge of the spring- summer and fall-winter for 2026 featuring clu...

Archives