May 19, 2008

Birthday primer at Loreland


planning for swimming with mokkepeeps for the joint-celebrations of rina's birthday and mine. todo-tipid mode ang lahat dahil alangan ako sa expenses. pinilit ko talaga sa antipolo. hahaha... a week before ay naghahanap na kame ng resort. we chose between loreland and christina villa within antipolo or 8 waves in bulacan or 9 waves in san mateo, rizal. then finally we finalized the tour to loreland where we have already looked out for the possible expense and because christina villa hotels were booked on our planned outing, may 17-18.

05.17.18
we met at jollibee marikina around 430PM. i managed to come earlier kc namalengke pako ng dadalhin ko for us. btw it's a potluck party kaya buti nalang namenos ang malalaking gastos sa food. i bought the tikoy delicacy with peanut butter sa loob at crushed peanuts outside. ayun, hindi pa kame nakakasakay ng jeep to antipolo e nilantakan na ng mga kasama ko. buti nalang i bought 2 boxes para hindi naman kame maubusan agad. it was a bit hard to get on a jeep that day at medyo alanganin pa nga because that was a very gloomy day at may bagyo pa ata somewhere in the philippines.


finally we arrived at loreland. kala ko kame lang ang magiging tao kasi nga mejo maulan. so we checked in at pumunta na sa pinareserve naming tree house na overlooking manila. we haven't put our things yet sa treehouse kasi there were people occupying it. courtesy nalang namin na hintayin muna sila to check out but no! they just got there lang pla and they will occupy it overnight! it was a conflict in the admin and we insisted they provide us with the best they can offer. to cut it short, they gave us a room, (which was pretty good btw) and a cottage near an accessible pool. so mejo pabor na rin kasi it was airconditioned, pang-2-4 people lang sana but we're 8 so diniskartehan na lang.

kumain muna kame ng dinner after grilling it under the treehouse where we first got into and then we transferred all of our things sa room which was far from the attractions of the resort. it was outside from the resort's gate pero katabi lang ng resort.

so swimming na. mejo malamig pero kelangan tiisin para sulit ang bakasyon. dun muna kame sa may kiddie pool kasi may isang tao na hindi keri ang above 4 feet na nagngangalang carissa (di tunay na pangalan.) so ayun, gusto ko sana pag-aralan ang langoy dolphin saka ang dumilat sa ilalim ng tubig parang training ko ba pagsali ko sa survivor. pero dko magawa kasi ang tapang ng chlorine! kaya simpleng langoy nalang ginawa ko. tapos lipat-lipat kame ng pool at shempre pictures!


paglipat namin sa may pool na may 7ft, may parang jacuzzi-type dun at dun kame mejo naglambotsingan ng mga kabarkada ko. pero dko inaasahan ay nagkaroon ako ng malaking sugat sa paa. dko lam kung saan ko sya nakuha pero pag-ahon ko ay may dumadanak na sa aking paa, mala-1/2 inch at may 2mm na lalim ng sugat. busted tuloy ang fun ko. we rushed to the admin building to ask for first-aid kit. first-aid kit lang sana pero OA ang reaksyon ng mga nandun at pinalibutan nila ako. nag-stethoscope pa sila na ako na yung mejo nagfreak-out. the doctor is out daw and it was more advisable na tahiin ang sugat ko. it was a bit of a scene but they only wrapped the wound in gauze and told me not to soak it in water. so hindi na nga ako makakapag-swimming the rest of out stay.

then natulog na kame.

05.18.08
janah and rhy woke up early para makapag-picturan sila sa resort. ako naman e gumising pagbalik nila at nagbaon ng sandwich sa paglalakad namin dun. ako naman ang naging photographer nila kasi si ana na nung gabing yun. pagbalik namin e banlaw-banlaw na at pinapak ang mga natitirang food. bumalik ako sa admin to treat my wound again pero wala pa daw si doc kaya they replaced the bandage na lang. mga bandang 1130 which is time for our check out e dumating si doc! pinilit nila ako na patahi ko na daw kasi wafu daw si doc. magmoment nalang daw ako para masilayan nila ng matagal. sus!

by 1230 nakauwi nako. kung kelan mataas na yung araw at masarap na magswimming!

No comments:

Post a Comment

Be kind to post your insights. Thanks.

Popular Posts