lifestyle, entertainment, reviews

Showing posts with label tuff payb. Show all posts
Showing posts with label tuff payb. Show all posts

May 12, 2008

Tuff Payb again

para makahingi ng pera
5. dried mangoes
4. fruit juice
3. street children na mamumunas ng sapatos
2. kulang daw pamasahe
1. gamitin ang anak

mga ginagawa ng mga tao nung bata pa sila
5. naglaro ng lupa kunwari kalamay
4. kunwari isa ka sa mga superhero at may superpowers ka
3. kukupit sa tindahan
2. sisirain yung magandang laruan ng kalaro mo kapag naiinggit ka
1. aasarin ang lalaking crush na "bakla" para halikan ka.

5 bonggang bagay na gagawin ng lalaki para sa GF
5. hinahawakan ang kamay kapag kailangan
4. nakakatawa sya pero alam nya kung kelan magseseryoso
3. may kiss kahit sa harap ng kaibigan
2. tinititigan k nya kunwari d mo alam
1. naghihintay ng 3 oras kahit 5 mins lang kayo magkakasama

tips para "maiba naman"
5. gibain ang bahay at buuin ito
4. himatayin sa gitna ng daan para pagkaguluhan ng mga tao.
3. sikmurain ang iba at mag-sorry
2. tahiin ang pwet at magpadoktor
1. uminom ng pampatulog at labanan ang antok

MGA "UTANG NA LOOB" ENTRIES

mga dahilan bakit single
5. walang kamatayang paghihintay sa destiny
4. busy-busyhan
3. bata pa daw, hindi pa ready
2. ayaw ma-trauma
1. God is busy creating the best for me

break-up lines
5. "babalikan kita, promise"
4. "pareho ko kasi kayong mahal"
3. "kung talagang tayo, destiny na ang gagawa ng paraan."
2. "you will find someone better"
1. "we can still be friends"

mga reaction kpag bitter
5. irita ka pag may nakita kang magjowa
4. iniinsulto yung bago ng ex mo
3. blogs at bulletin mo patama sa kanya at ayaw mo makinig ng love songs lalo na pag theme song
2. binubura mo yung cp saka friendster nya kahit memorize na memorize nya.
1. pag nagtxt sya sayo sagot mo sa kanya, "Hus dis?"

kasinungalingan ng mga lalake
5. "pramis di kita iiwan"
4. "wala akong ibang katext"
3. "barkada ko kasama ko"
2. "ikaw lang talaga"
1. "kasama ko pinsan ko"
Share:

April 28, 2008

koleksyon ng tuff payb

tuff payb senyales na wala nang pera ang tao

5. nagsasangla
4. mxadong mainitin ang ulo
3. mxadong mabait
2. diet
1. makikipagkaibigan sa bakla/ makikipagkaibigan sa DOM

ibat ibang klaseng manliligaw

5. mr. gwaping - gwapo, mayaman, kilala, may kotse
4. mr. quickie - kada magkikita kau, "kelan mko sasagutin?"
3. mr. stalker - makulit sa text
2. mr. salesman - mambobola
1. mr. good dog - payag magpaalipin

rason kung bakit masaya ang may karelasyon

5. lagi kang nakakanood ng sine
4. kahit nasa bahay ka lang kapag gimik night, hindi ka nalulungkot
3. may magtetext sayo 3x a day
2. may ka-babytalk
1. when you love someone, everything is beautiful.

rason kung bakit masaya maging single

5. you're free to date anyone
4. may time for family and friends
3. napa-priotize ang mga kelangan sa buhay
2. hindi ka praning sa telepono mo
1. hindi ka naprepressure na dapat lagi maganda ang underwear mo.

mga rason kung bakit umaabsent sa work

5. may LBM, dismenorrhea, etc.
4. transport strike
3. binaha
2. may susunduin sa airport
1. namatay ang lola/lolo

mga epekto ng alak

5. madaldal
4. laughtrip/ crying trip
3. natutulog sa suka
2. naghahamon ng laway
1. nilalandi ang type na kainuman
Share:

April 16, 2008

Tuff Payb

Most Embarrassing Moments:

5. Nabaligtaran ng payong
4. Bigay-todo sa pagkanta pero iba naman pala ang lyrics
3. Todo-porma nang biglang madudulas
2. Mautot sa madla
1. Tumulo ang sipon habang nakikipag-usap sa iba

Mga dahilan kung bakit hiniwalayan ni BF c GF:

5. Nagger
4. Masyado mahigpit si girl at nakakasakal na
3. Maraming bisyo si girl
2. "Mahilig"
1. Late bloomer si boy at na-realize nya na ibang boy pala hanap nya. lol

Disguise/ Palusot ng mga commuters pag walang pambayad:

5. Sabit sa jeep kahit maluwag pa sa loob para makapag-1-2-3
4. Bibo sa pag-abot ng bayad
3. Pag malapit na sa babaan, kunwari magtatanong ng ibang ruta para mapalagayang "naligaw" sya pero ang totoo ay dun talaga sya bababa
2. Magtutulug-tulugan
1. Magkakaroon ng kausap sa cellphone at dedma sa pagkalimot na hindi pa sya bayad dahil busy sya sa kausap nya sa phone.
Share:

Search This Blog

Intellifluence google page rank

Archives

Blog Archive