lifestyle, entertainment, reviews

Showing posts with label trip-trip lang. Show all posts
Showing posts with label trip-trip lang. Show all posts

January 8, 2009

mga bagay na nakakagigil pero masarap gawin

nanggigil ka na ba? naramdaman mo na ba yung pakiramdam mo ay inis na inis ka at gusto mong may masaktan o masira? yung tipong mapapakagat-labi ka at mapapangiwi sa yamot at sa pwersang gusto mong ilabas. gusto mong mantiris, mang-hampas, manakal, manabunot, manuntok, manampal; halos pati sarili mo ay gusto mong saktan sa inis na parang lahat ng nasa paligid mo ay PESTE at walang lugar sa iyong mundo. hinihiling mo na sana kaya mong gawin lahat kahit maging si superman o batman, si wonderwoman o darna. kahit role ni maricel soriano, nora aunor, christopher de leon. isama na rin sina lolit solis, nadia montenegro, at iba pang lumabas sa TV na galit na galit. parang nuclear bomb ang usok sa iyong ilong at may dala-dalang mga armado sinapa pati ang mga spartan at mga elves na pare-parehong lalabanan ang orcs pero disappointed ka dahil piccolo lang at espada ni voltez v ang dala-dala mo. at pagkatapos mong ilabas ang iyong galit ay napakagaan ng iyong pakiramdam at gusto mo namang magpahinga.

narito ang ilang bagay na masarap gawin pero nakakagigil:
  1. mantiris ng kuto - tatanggalin mo ang matatabang kuto mula sa anit pati na ang mga lisa. iipunin sila sa isang papel at sabay-sabay at lalabas ang madaming dugo sa papel.
  2. paghiwalayin ang split ends - kahit anung suklay mo ay magpapakita pa rin ang tikwas ng iyong buhok at wala kang magagawa kundi bunutin ang buong buhok dahil kung hindi, magkakaroon ng isang hibla na alanganin sa haba ng iba pang buhok. ang nakakagigil ay pagkaliit-liit ng split end pero gusto mo syang paghiwalayin hanggang sa dulo ng hibla. pag hindi successful, hahanap ka ulit ng split end hanggang mawala nang lahat ng split ends sa ulo mo. e lahat ng buhok mo meron...
  3. umapak ng ipis - nakakadiri sila. nakakatakot lalo na pag lumilipad. ayaw na ayaw mong mapalapit sa kanila pero pag nagkaroon ka ng pagkakataong ihinto ang kanilang pakikibahay sa iyo, hahabulin mo sila hanggang sa kasuluk-sulukan at hahampasin ng tsinelas at tatawa ng parang demonyo habang nagsasabing: "Die, EPEZ, DIIIIIIEEEEEEE!" at ititwist mo pa ang paa mo para lumabas ang mga natitirang itlog at dugong mala-berde at parang nana. (bakla pala ipis noh? hahaha)
  4. tanggalin ang dry pimples, black heads at white heads - bad ang gawaing ito ayon sa mga derma. pero minsan di mo maiwasang kutkutin ang mukha mo. masakit lalo na pag hinog na hinog ang pimple mo na parang tumor sa laki at nagbeberde na rin ang nana. magugulat ka habang binibigkas ang mga katagang: "it's ALIVE! IT'S ALIIIIIVE!" so wala ka nalang magawa kundi hintayin ang pagtuyo nito with proper care at pagkatapos pag natuyo na ang pimple ay ready mo na pigain ang mala-bigas na bagay. yun nga lang, mukha ka nang buwan at magkakaroon ka pa ng peklat.
  5. pumatay ng lamok - masarap gawin pag gabi lalo na kung mainit at malamok. lalo na siguro pag brownout. makaramdam ka lang ng kati e hahanapin mo ang bampirang nananaba sa iyong dugo at gagawa ka ng paraan para hindi na sya makapambiktima pa ng iba. pag natigil sya sa isang mukha, hinay-hinay mong itatapat ang iyong kamay para biglang IHAMPAS ang iyong kamay at lalabas ang dugong dmo na mababawi. nagkaroon ka pa ng bagong kaaway -- ang nasampal mo ng hindi sinasadya.

Share:

August 22, 2008

Plurk tayo!

i've just created my Plurk account yesterday and i realized that i got hooked now. i post shoutouts on real time and get replies on real time too. hmm, better than YM? i think not. but i can update my friends on my other sites.

one cute feature of Plurk is that it has this Filipino option where all other statements on the site go Tagalised. your profile and all content translates to our native language. speaking of profile, we know all the blah-blahs from your name, etc. and just like friendster, even your civil status. when i chose to Tagalise my profile, this came on:


bastus din tong Plurk na to a! OO na! NAG-IISA NA KUNG NAG-IISA! d naman ako malungkot! :P nakaka-Plurkey to!
Share:

August 20, 2008

trabaho ala-MYX

while waiting for the staff to send me their finished subtitles, nag-trip muna akong gumawa ng mga ala-MYX videos. one LSS is No Air by jordin sparks and chris brown. ang saya! but i didn't get to subtitle yung mga kulot nila and screams. kung kaya nyong i-operate ang mga ito, mag-eenjoy din kayo.



from an episode of American Idol 7

at napag-tripan ko din yung 4 Minutes by madonna and JT. hahaha...
yan ang ginagawa ng mga busy. sana nga ganito nalang lagi gagawin ko, mas enjoy pako.

too bad you can't see my finished work dito. hirap kasi i-lay ung subtitles sa movie maker e.

works better with SoftNi Subtitler Suite.

Powered by ScribeFire.

Share:

Search This Blog

Intellifluence google page rank

Archives

Blog Archive