lifestyle, entertainment, reviews

Showing posts with label chismis. Show all posts
Showing posts with label chismis. Show all posts

November 29, 2007

mangingibang bakod ba si Chenelyn Mechado?


Jennylyn Mercado not closing her doors to ABS-CBN
Nora Calderon

Isang very slim na Jennylyn Mercado ang dumalo sa presscon ng Resiklo—the official entry of Imus Productions for 2007 Metro Manila Film Festival—kahapon, November 28, sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City. Jen plays the love interest of Bong Revilla sa futuristic movie na ginawa para sa mga bata, sa direksiyon ni Mark Reyes.

Kumusta naman working with Bong na first time niyang nakatrabaho?

"I'm honored and flattered nang malaman ko pong ako ang napili ni Senator Bong na makatambal niya," sagot ni Jen. "Masaya siyang katrabaho. Akala ko nga seryoso siya dahil isa siyang senador. Pero kapag nasa set siya, palabiro pala siya at hindi niya ipinakikitang mataas siya kesa amin. Nagbibiro siya at alaga niya ang buong cast at staff. Lagi kaming busog sa set dahil madalas siyang nagtatanong kung ano ang gusto naming kainin, ipabibili raw niya.

READ MORE
Share:

November 12, 2007

Rumored breakup of Christian Bautista and Rachelle Ann Go getting more buzz

Rumored breakup of Christian Bautista and Rachelle Ann Go getting more buzz
Nitz Miralles
Monday, November 12, 2007
10:36 AMMay nagbalita sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na break na sina Rachelle Ann Go at Christian Bautista after two years of relationship. Matagal na raw break ang dalawa at sa last trip nila sa United States for a series of shows ay wala na sila. Pero ngayon lang lumabas dahil hindi nila sinabing tapos na ang kanilang relasyon.

Sa concert ni Beyonce Knowles sa The Fort noong November 7, ang dating manliligaw na si Jed Madela ang kasama ni Rachelle na nanood. Niyaya raw siya ng binata at dahil wala na siyang boyfriend ay sumama naman.

"Hindi kami magkasundo sa ugali," ang sagot daw ni Rachelle nang usisain sa break-up nila ni Christian pero hindi na siya nag-elaborate. Hindi rin nito sinabi kung sino sa kanilang dalawa ang nagbago ang ugali.

Ang break-up din daw nila ni Rachelle ang rason kung bakit hindi pumayag si Christian na magkaroon ng presscon ang show niya sa St. Francis Square. Bukod sa ayaw siguro nitong matanong sa nangyari sa kanila ng dalaga, ayaw rin nitong magsinungaling. Si Christian pa naman, pagdating kay Rachelle ay non-stop ang mga kuwento. Ano nga naman ang itsitsika niya sa press kung wala na sila?

READ MORE
Share:

October 22, 2007

pogi sana engot lang.. haha

hindi nako nakatiis, kelangan ko na talaga bumili ng coat para sa pag-alis ko next week! shet next week na pala yun. kaya pagkasimba ko sa sta.lucia mall (cainta yun para sa mga hindi nakakaalam), despite the scare at the glorietta explosion, dun na ako naghanap ng coat. average coat costs P1500 - P3000. pero cge deds na lang sa presyo at kelangan na talaga e. then me and mama saw a nice coat sa penshoppe. may hood pa sya sa loob na pwede tanggalin kapag business attire lang ang gusto mo. so i was trying it in the fitting room at mejo asiwa ako kasi parang hindi ata maayos ung pagkakalagay ng hood sa coat. hindi naman ako OA na nagngangalit sa galit dahil lang sa hindi maayos na damit. ok lang naman sya sa akin at kasya naman. pero tinanong ko talaga kay mama kung tama ba yung pagkakalagay ng butones.

itong nag-assist sa aming lalaki na taga-penshoppe sabi nya "style talaga yan." exact words. edi tinanong ko sya kung sigurado sya. "ganyan talaga." ok fine. hindi na ako nakipag-argue pero nag-butt-in si ate na taga-penshoppe din at sabi nya na "kuya anu ba, hindi pantay noh!"
wala kameng reaction ni mama kasi kahiya naman at inasikaso kame ni kuya. ayaw rin naman naming lumala yung kahihiyan nya. palubog loob na lang nya sakin na "last piece na lang yan kasi malalaki na para sa kanya ung mga ibang stock." to help me feel very lucky. so i paid for the coat, tumataginting na P1500 from my card. hay, kakabayad ko lang nabawasan kaagad. saklap talaga at utang na naman. pero well, hindi naman ako cguro magsisisi kasi i will use it for special occasions etc. ayun, todo-asikaso samin si kuya hanggang lumabas kame ng penshoppe.

thankful ako kasi may coat nako. yun lang.
Share:

Search This Blog

Intellifluence google page rank

Archives

Blog Archive