
so yung sina Deyesebel at Lebron, laging naglalandian. ang matindi, yung mga nag-aalaga ang nape-pressure magtira ng pagkain kasi talagang riot yung dalawa kapag kakain na sila. at dapat nasa kulungan ang isa para dun ihain yung kakainin nya. ang masaya dito sa dalawa, naglalandian sila. mas malandi si Dyesebel kesa kay Lebron. babae kasi (haha! sexist!) at mas bata at maliit. pag aalis kame ng bahay, laging nakabuntot yung dalawa at dapat iniwan sila sa loob ng gate, ipipilit nila ang mga katawan nila sa railings. kahit magkatili-tili ang mga asong ito basta maihatid lang kame papalabas ng subdivision. nasanay na kame kahit mapalabas na talaga sila ng subdivision! dati talagang pinapauwi namin ung mga aso para bantayan nalang yung bahay. pero ang sarap isipin na TCCIC ang drama ng aso nyo diba? tapos pag dadating ka ng bahay, parang tuwang-tuwa sila na sasalubungin ka.
this is an Animal Planet feature. kapag hinahatid kame palabas ng subdivision, umiihi sila sa tabi-tabi tapos aamuyin nila. tapos naalala ko nalang na parang gumagawa sila ng marka sa mga iniihian nila at yun ang Hanzel and Gretel nila papauwi ng bahay. o diba, ang galing? kaya nung nalaman naming naka-jugjug si Lebron sa labas ng subdivision, hindi na kame nagtaka kung pano pa sya nakauwi ng bahay.
naging loyal na din si Lebron samin (si Dyesebel pala pinamigay na sa kapitbahay after 3 weeks ata) at kahit kelan safe pa rin yung bahay.
0 comments:
Post a Comment
Be kind to post your insights. Thanks.