mga naririnig ko sa mga matatanda, lalong lalo na sa mama ko. minsan kasi may pinapakuha sya sakin sa eskaparate, estante at pasimano. e nosebleed ako dun pero minsan gets ko naman agad. ang galing galing! matanda pa nga ata sa kanya tong mga salitang ito. mga karaniwang makikita ito sa bahay ng mga karaniwang mamamayan. di pa uso ang bahay na bato nun. yung pag gising mo sa umaga at pupunta ka sa may banggerahan para maghilamos ay napakasarap ng simoy ng hangin. ang gawain ko naman ay pumunta muna sa kasilyas para umihi (uy, clue na yun!). ay iinom ng kape at uupo sa may pasimano at tatanaw ng malayo.

banggerahan
estante
eskaparate
pasimano
batalan
kasilyas
pasilyo
alamin ang mga sagot dito:
* hallway
* window pane
* paliguan
* lababo
* cupboard (2 yan)
* comfort room
nosebleed nga. isama mo pa ang tarangkahan at asoteya. panalo di ba? :)
ReplyDeletehi gentle. thanks for visiting. yeah, naalala ko yang tarangkahan na yan. anu nga ulit yun?
ReplyDeletemas class naman sa ears yung kasilyas kesa kubeta. hehehi
ReplyDeletehahaha... oo nga, mas mabaho sa pandinig ung kubeta.
ReplyDeletebackyard? not syur.. :)
ReplyDeletewait, i'll ask my mom. hehe
ReplyDeletegate daw ang tarangkahan. :)
ReplyDelete